Sunday, March 9, 2008

As Art Is In Me

Hindi ba’t pareho lang naman kami?
Lalaki siya, babae ako.
Yun lang naman ang pagkakaiba.
Maliit lang naman di ba?
Mahal niya rin naman ako.
Tulad ng pagmamahal ko sa kanya.
Hindi niyo iyon mapagkakaila.
Kailan man hindi niyo iyon mapagkakaila.
Hindi ba’t sa inyong mga mata,
Pati na rin sa mga mata ng iba,
Pareho lamang kaming dalawa
Na anak ng Panginoon?
Pareho kaming nagmamahal sa Kanya.
Kung ganoon naman pala,
Bakit hindi pwedeng lubusan naming
Mahalin ang isa’t-isa?
Kailan ba naging kasalanan ang magmahal?
Nagmamahal din naman kayo.
Hindi ba?
Dahil ba sa alagad siya ng Diyos?
Dahil ba siya’y isang haligi ng krus?
Ilang taon pa naman bago niya iwan ang lahat.
Hindi ba pwedeng
Sa panahon na iyon,
Akin na muna siya?

No comments: