Thursday, November 22, 2007

Bakit?

Umuwi ka nung minsan,
may dalang rosas.
Natuwa ako,
bihira mong gawin yun.

Hindi ka rin nagbabasa,
pero may hawak kang libro.
"The Tragedy of Macbeth"
paborito kong libro.

Pinagluto kita,
halata namang di mo gusto
inubos mo parin,
sumakit tuloy tiyan mo.

Nagpatawa ako,
corny yung joke.
Pero sinakyan mo parin ako,
natawa ako sa sarili ko.

Bakit..
Mahal mo ba ko?

No comments: